Sabado, Nobyembre 19, 2011

Police Trainee na namatay umano sa Pulmonya, isasailalim sa otopsiya..

Legazpi City- Nakatakdang isailalim sa otopsiya ang bangkay ng isang police trainee sa camp Semeon Ola sa Lungsod ng Legazpi na umanoy namatay sa pulmonya nito lamang nakaraang Nov, 9 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa report, dakong alas 7:00 ng gabi ng bawian ng buhay si Dante Lumbis, 30 anyos na nagmula pa sa Pili sa lalawigan ng Camarines Sur.

Layunin ng naturang otopsiya na alisin ang pagduda ng pamilya sa posibildad na nagkaroon ng foul play o ang pagduda na maaring nabiktima ng hazing ang naturang police trainee.

Ayon sa report, agad namang dinala ang biktima sa Bicol regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) ng mapansin ng kaniyang mga kasama na mayroon itong mataas na temperature o lagnat at doon na ito nalagutan ng hininga.

Pulmonya ang itinuturong rason maagang pagkamatay ni Lumbis, subalit para mawala ang agam agam o pagdududa ng pamilya kung kaya’t ito ay nakatakdang isailalim sa otopsiya para malaman ang totoong dahilang ng kaniyang pagpanaw.

Si Lumbis ang isa sa 400 bagong recruit na pulis na nagsumpa noong isang lingo na kung saan sila ay tatlong araw nang sumasailalim sa regional police training sa naturang kampo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento