Biyernes, Nobyembre 18, 2011

Governor Salceda, nanawagan ng suporta para sa inaasam na muling masungkit ng lalawigan ang Galing Pook Award


Legazpi City- Buong pagmamalaki na ipinamalita ni Gobernador Joey Sarte Salceda sa pamamagitan ng kaniyang Facebook Account na sa daan daang entries ng mga Local Government units sa buong bansa, isa ang Albay sa mga napili bilang finalist sa 2011 Galing Pook Award for good governance.

Ayon sa Gobernador, ang entry ng Albay ay mayroong titulo na “Albay Health Strategy towards Early Achievement of MDG’s. kaugnay nito, nanawagan ang gobernador ng lalawigan ng suporta sa pamamagitan ng pagdarasal ng bawat Albayano na kung saan sa darating na Nobyembre 29 ng kasalukuyang taon ay isasagawa na ang pinal na presentasyon nito.

Magugunita na nitong nakaraang taon, halos sunod sunod na nakuha ng Albay ang naturang Galing Pook Award dahilan sa pagsusumikap ng pamahalaang local ng Albay, particular sa pagharap nito sa mga problema sa panahon na ang Albay ay sinasalanta ng iba’t-ibang kalamidad, ang Albay din ang siyang naging modelo maging sa iba’t ibang lalawigan dahil sa kahandaan nito sa pagharap sa problemang dulot ng kalamidad at ganun din ang pinapakitang pagkakaisa ng mga mamamayan tungo sa layuning maprotektahan ang buhay ng bawat isa o ang zero casualty.

Dahil dito, muling nanawagan ng suporta ng gobernador sa mga Albayano para muling masungkit ng ating lalawigan ang naturang Galing Pook Award ngayong taon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento