Miyerkules, Nobyembre 23, 2011
NUJP Albay nakiisa sa paggunita sa ikalawang taon ng paghahanap ng hustisya sa mga biktima ng Maguindanao Massacre
Ang Nobyembre 23 ay ang araw ng deklarasyon ng International Day to End Impunity, ito rin ang araw na kung saan ginugunita ng buong Media community hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo ang pangalawang taon (2 Years) ng paghahanap ng hustisya sa mga naging biktima ng Maguindanao Massacre na kung saan pinatay ang aabot sa 58 katao, kasama na dito 33 mga mamamahayag.
kasabay ng mga pagkilos na isasagawa ng iba't-ibang grupo at organisasyon ng Media sa buong bansa para sa paghahanap ng hustisya sa lahat ng naging biktima ng Media Killings, ang NUJP Albay ay nakikiisa sa panawagang ito para sa paghahanap ng hustisya para sa mga naging biktima ng karumal dumal na krimen, hindi lamang sa mga biktima ng Maguindanao Massacre kundi sa lahat ng mga mamamahayag na napaslang, kasama na ang mga bikolanong journalists na biktima rin ng pamamaslang.
Ang Maguindanao Massacre ay ang maituturing na pinakatireble sa kasaysayan ng pagpatay sa mga mamamahayag na kung saan ang pilipinas ay nalagay sa ikalawang pwesto ng pinakang kritikal na lugar para sa mga mamamahayag sa buong mundo.Ang pagiging inutil at pagiging mabagal ng hustisya at ang kawalang aksiyon ng Gobyerno para papanagutin ang mga salarin ang siyang nagiging dahilan upang manatiling mayroong lakas ng loob ang mga kriminal para paulit-ulit na maganap ang ganitong uri ng kriminalidad sa bansa.
Sa ikadalawang taon ng anibersaryo ng Maguindanao Massacre ay tila nanatiling sariwa pa rin ang sugat para sa mga kapamilya ng biktima dahil sa tila mailap na hustisya para sa mga kapamilya ng napaslang. sa halos isang daang porsyento ng naisampang kaso laban sa pamilya Ampatuan at sa mga kasabwat nito, halos 2 porsyento pa lamang nito ang pormal na nagkaroon ng arragement na isang senyales na ang laban ng pamilya at ng mga mamamahayag para sa pagkamit ng hustisya ay magtatagal pa at tila umpisa pa lang ng laban.
Bilang pakikiisa sa mga kapamilya ng mga biktima ng pamamaslang, ang NUJP Albay ay tuloy tuloy na magsasagawa ng kampanya hindi lamang sa araw na ito kundi hangga't ang hustisya ay hindi napapasakamay ng mga naulila, at mga kapamilyang naghahanap ng katarungan.JUSTICE FOR ALL VICTIMS OF MAGUINDANAO MASSACRE, JUSTICE FOR ALL VICTIMS OF MEDIA KILLINGS! WILLY V. SALAZAR Chairman NUJP-Albay Chapter
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento