Legazpi City- Pinuri ni Board Member Ricky Ziga ng unang distrito ng lalawigan ng Albay ang mga residente sa ilang barangay sa Guinobatan na naglakas loob na lumantad at humarap sa isinagawang committee hearing sa Sangguniang Panlalawigan kaugnay sa umano'y mga pang aabuso ng militar sa karapatang pantao sa kanilang lugar.
Ayon kay Board Member Ricky Ziga, ang paglalakas loob ng mga residente na umano’y nabiktima ng mga pang aabusong ito ay malaking tulong upang mapigilan pa ang mga posibilidad na pang aabuso pang muli sa mga darating pang araw. Ayon pa sa opisyal, ang ginawang committee hearing ay siyang magiging basehan ng kaniyang komitiba upang magpasa ng rekomendasyon o resolusyon sa Commission on Human Rights sa region o maging sa nasyunal.
Ayon pa kay board member Ziga, hindi niya kokonsentehin ang mga ganitong kaso at kailangan mayroon silang gawing aksiyon upang mapigilan ang ganitong uri ng pang aabuso, sinabi pa ng opisyal na ang pagtatanggol sa karapatan ng mga mamamayan ay matagal na naging bahgi ng paglaban ng kaniyang mga magulang noong mgapanahon kung kaya’t siya bilang bagong halal na opsiyal ng lalawigan ay hindi niya papayagan na muling mamayani ang ganitong mga pang aabuso ng mga militar na dapat sana ay siyang nagbibigay ng proteksiyon sa mamamayan.
Sa naturang pagdinig, dumalo ang mismong mga biktima at ang grupong Karapatan Bikol, sa pangunguna ni Vince Casilihan at Mr.John Concepcion,kasama ang ilang kinatawan ng mga Peoples Organization tulad ng bagong Alyansang Makabayan, Gabriela, National Union of Journalists of the Philippines-Albay Chapter, naroon din sa naturang pagdinig ang kinatawan ng Provincial Peace and Order Council na si dating C/Insp.Rolly Esguera at ang Vice Chairman ng Committee on peace and Order and Public safety na si Board Member Herbert Borja ng ika’tlong distrito ng lalawigan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento