Sabado, Nobyembre 19, 2011

Libreng tawag para sa pasko, Handog ni Governor Salceda para sa mga OFW’s


Legazpi City-Malaking tulong para sa mga kapamilya ng OFW’s ang plano ni Gobernador Joey Sarte Salceda na maglagay ng booth para sa libreng tawag at texts mula sa mga Telephone Companies kagaya ng Bayantel.PLDT, Smart,Globe, at Suncellular.

Ayon kay Ms. Eden Gonzales ng office of the Governor, nitong isang lingo pa ay mayroon na silang ginagawang negosasyon sa mga Telco’s upang maisagawa ang plano ng gobernador bilang handog sa mga kapamilya ng mga OFW’s na nais na makausap ang kanilang mga mahal sa buhay na nasa iba’t-ibang panig ng mundo particular sa mismong araw ng pasko.

Planong ilagay ang naturang booth malapit sa Green Christmas tree na mismong nakatayo sa ibabaw ng Penaranda Park, sa harap mismo ng kapitolyo. Ang naturang “Libreng Tawag Booth” ay magiging bahagi ng halos isang buwang programa ng pamahalaang local ng lalawigan,particular ang Karangahan Albay Green Christmas,(KAGC)

Samantala umani naman ng positibong reaksiyon ang ideya ng Gobernador dahil sa malaking tulong umano ito upang kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan ng mga OFW na sa panahon ng pasko ay malayo sa kani-kanilang pamilya at mga mahal sa buhay. Dagdag pa dito ang kaluwagan na wala silang iisiping gastusin para lamang makausap ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ang Green Chistmas ay pangalawang taon na itong gaganapin sa Albay, subalit kapansin pansin ang kaibahan nito kesa noong nakaraang taon, na kung saan ay mas pinatatampok dito ang Culinarya o ang mga masasarap na putahe o pagkain na tunay na maipagmamalaki ng Albay.

Patatampokin din dito ang iba’t-ibang programa, kagaya ng MusicHero na kung saan ay magpapagalingan ang mga banda ng iba’t-ibang sangay ng Armed Forces of the Philippines-AFP, Philippine National police, at iba pa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento