Legazpi City- Muli na namang naulit ang isang karumal dumal na krimen na ikinagulat ng mga Albayano kaninang umaga sa pagkakadiskubre sa bangkay ng dalaga na nakilala sa pangalan na Maria Sarrah
Itinuturing ng mga awtoridad na Crime of Fashion ang naturang krimen, na kung saan mismong ang boyfriend at ex boyfriend ang siyang pangunahing suspek sa pagpatay kay Maria sarrah
Ayon sa mga kapamilya ng biktima, dakong alas dose kagabi ng lumabas ang naturang biktima para kausapin ang kaniyang Ex Boyfriend na nakilala sa pangalang Vicente Natividad 34 anyos ng Taysan,
Kinaumagahan ay nagulat na lamang sila ng wala sa kwarto ang biktima, at higit na ikinagulat nila ng sa hindi kalayuan sa kanilang bahay ay mayroong pinagkakaguluhan na isang bangkay ng babae na agad naman nilang nakilala dahil sa kasootan nito.
Agad namang inimbitahan ng mga awtoridad ang mga pangunahing suspek para sagutin ang mga katanungan para sa ikakalutas ng nasabing krimen.
Samantala, nangako naman ang pamunuan ng PNP Provincial Command sa pangunguna ni Provincial Director P/Supt, Welliam Macaventa na kanilang paiigtingin ang kanilang ginagawang imbestigasyon para sa mabilis na paglutas ng naturang kaso.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento