Nitong nakaraang Linggo ay naging maigting ang operasyon ng Philippine Drugs Enforcement Agency-PDEA sa bikol,katulong ang Albay PPO at iba pang ahensiya, sa Legazpi City at ilang karatig na bayan sa Albay.
laban sa operasyon ng illegal na bentahan ng droga.
Sa Legazpi City, naging positibo ang pagkakahuli sa hinihinalang pusher ng ipinagbabawal na gamot sa Lapu-Lapu, at sa Dapdap, na kung saan malaking halaga ng hinihinalang Shabu at Maijuana ang nakumpiska ng ahensiya.
Sa puntong ito, nais nating e congratulate ang pamunuan ng PDEA sa bikol at sa Albay, at hangad natin na maipagpatuloy nila ang kanilang ginagawang pagtugis sa mga batik ng lipunan.
Hindi na po lingid sa kaalaman ng Albayano at mga Legazpinyo kung saan nagkukuta ang utak ng operasyon ng droga, nagkataon lamang na sadyang malakas ang kapit ng mga Kriminal na ito dahil sa tinatawag na “NARCO POLITICS” o mga politico na nasa likod at nakikinabang sa illegal na pagbebenta ng droga.
Kung mapapansin natin, mas pinagtutuunan pa ng pansin ng lokal na pamahalaan ng Legazpi ang programa sa Smoke Free kesa sa pagtugis sa mga nagbebenta ng pinagbabawal na gamot.
Magtatanong kayo kung bakit? Kasi wala namang pundo o funding agency na nagfifinance sa kampanya laban sa droga, ano bang programa ang ginagawa ng City Government laban sa pagbebenta ng bawal na gamot? Maging ang Legazpi City PNP, may nabalitaan ba kayo na nahuli nila nagbebenta ng droga? Siguro mayroon din, pero kadalasan supporting actor lang sila sa ginagawang operasyon ng PDEA, NBI, o ng iba pang ahensiya. Ito yung nakakalungkot na parte ng ating kwento. Na halos wala ng maglakas loob na magsumbong sa mga awtoridad dahil sa takot na baka ang kanilang mapagsumbungan ay nakikinabang din pala sa sindikato.
Napakatagal na pong problema ang droga sa Legazpi, at ngayon mas pinalala ito dahil sa isyu ng “Narco politics” litaw na litaw ngayon ang bulong bulongan na ang hinihinalang malaking supplier ng droga hindi lamang sa Legazpi kundi maging sa mga karatig na munisipyo ay sanggang dikit ngayon sa isang dating alkalde, at ito din ang dahilan kung bakit walang taong naglalakas loob na magsumbong sa mga awtoridad dahil sa malaking empluwensiya ng druglord.
Hindi po simpleng usapin ang droga sa Albay, dahil hindi na ito yung tipo ng barya barya lamang, milyon milyong halaga na ng droga ang bumabagsak sa Albay ngayon na karaniwang ibinabagsak sa Sabang at Pigcale, at ngayon napasama na daw sa listahan ng bagsakan ay ang Barangay Orosite, ito ay batay na rin sa mga sumbong na ipinararating sa Imbestigador ng Bayan, maging ang mga awtoridad ay hindi makagalaw-galaw dito dahil maging sila man ay hindi nila alam kung sino ang kanilang kakampi o kalaban sa loob ng organisasyon.
Kung noon, ang dating bulong-bulongan ay unti unti ng nakukumperma dahil sa mga matatagumpay na operasyon ng PDEA at ng Albay PPO dahil sa pagkakahuli ng ilang pusher sa mga nabanggit na lugar. kaya sa pamamagitan ng kolum nating ito, nais nating batiin ang PDEA at ang mga ahensiyang tumulong sa matagumpay na kampanya para tugisin ang mga kriminal na ito, at sana tuluyan ng malansag ang mga sindikatong ito dahil ito ay malaking banta para sa kinabukasan ng marami pa nating kabataan na posibleng mabiktima ng ipinagbabawal na gamot. huwag nating hayaan na isang araw ay magising na lamang tayo na isa sa ating mga mahal sa buhay ay biktima na ng ganitong kasamaan.
At sana, sa mga lokal na pamahalaan sa buong Albay ay maging mapagmatyag din kayo,dahil ang operasyon ng droga ay hindi lamang nakasentro sa Legazpi, kundi mas nagiging target nito ay ang mga kalapit na bayan.sabi ng ng ating informante, mas gusto daw ng mga sindikato dumihan ang bakuran ng iba, kesa dumumi sa sariling bakuran. kaya napansin ko sa bayan ng Guinobatan, ilan ang nakilala ko na nasiraan ng bait o nawala sa katinoan dahil sa sinasabing epekto ng droga, at sa bayan ng Sto Domingo naman, isang user ng marijuana ang lakas loob na nagpost pa ng kaniyang picture sa Facebook hawak ang isang sachet ng Marijuana. kaya sa punto pong ito, naalarma tayo na ang impluwensiya ng Narco Politics, ay kumalat na sa buong lalawigan.kaya ang ating mga kababayan ay hinihikayat natin na tayo ay maging mapagmatyag, sa mga magulang bantayan po natin ang ating mga anak, huwag nating hayaan na sila ay mabiktima ng kasamaang ito ng iba.