Linggo, Hulyo 1, 2012

Salpukan ng Bus sa Matacon, 8 malubhang nasugatan.

Polangui Albay- Walo (8) ang malubhang nasugatan at kretikal ang kalagayan ng isugod sa Hospital  at mahigit sa dalawampong  iba pang  pasahero ang nasugatan ng magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus ng Cagsawa Tours may rutang Manila to Legazpi, at PP Bus Line na may rutang Surigao to Manila.


Ayon sa ilang saksi, dakong alas 5:30 ng umaga nitong nakaraang martes, petsa 26 ng kasalukuyang buwan ng magsalpukan ang dalawang pampasaherong Bus ng Cagsawa at PP Bus line sa mismong tapat ng Matacon, Elementary School na kung saan nawasak ang harapang bahagi ng Cagsawa Bus dahil sa  matinding salpukan na siyang naging sanhi para tumilapon ang mga pasahero nito. 


Ang PP Bus line ang itinuturong may pagkakamali sa nangyaring banggaan ng umano'y magpumilit ito na mag overtake sa naunang Tanker at huli na ng mapansin ng driver nito ang kasalubong na Cagsawa Tours, ayon pa sa mga saksi, huminto na lamang ang Cagsawa Tours upang umiwas, subalit dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi na nagawang makapagreno pa ng PP Bus line, bagkos kinabig na lamang ng driver nito ang manibela sa kaliwa na kung saan ay inabot pa rin nito ang unahang bahagi ng Cagsawa Tours, bago ito ay bumangga sa puno malapit sa bakod ng Matacon Elementary School.


Laking pasalamat naman ng mga residente sa nasabing lugar dahil walang nadamay sa nasabing aksidente, maliban sa mga sakay ng dalawang bus, na kung saan agad namang naisugod sa pinakamalapit na Hospital ang mga biktima na malubhang nagtamo ng sugat at bali sa kanilang mga katawan.


Samantala, reklamo naman ng mga pasahero ng PP Bus line ang kawalan ng tulong mula sa kumpanya para sa mga pasaherong nadamay sa aksidente, ayon sa kanila, mag aalas onse na ng umaga ay wala pa rin representante ng kumpanya ang pomunta sa kanila para alamin ang kanilang kalagayan, lalo pa't ang ilan sa kanila ay sapat lamang ang perang dala para makarating sa metro manila, bukod sa sakit nga katawan, sugat, at takot sa nagyaring aksidente, ang ilan sa kanila ay nakaranas din ng gutom dahil sa kapabayaan ng kumpanya ng Bus na kanilang sinakyan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento