Miyerkules, Hunyo 20, 2012

Paghahanda sa nalalapit na pagbisita ng Reyna ng Espanya sa Albay, mismong pinangunahan ni Gobernador Salceda

Legazpi City-Maigting ginagawang paghahanda ng pamahalaang lokal ng lalawigan ng Albay kaugnay sa nalalapit na pagbisita ng Reyna ng Espanya na si Queen Sofia sa darating Julyo 4 ng taong kasalukuyan.

      Ang paghahanda ay mismong pinangunahan ni Gobernador Joey Sarte Salceda at ilan pang opisyal ng lalawigan. Kahapon ay isinagawa ang Dry Run sa naturang napakalaking aktibidad sa lalawigan para sa seremonial na pagsalubong sa napakahalagang bisita ng mga Albayano, mismong si Gobernador Salceda ang nanguna sa nasabing Dry Run, na kung saan katuwang nito ang Armed forces of the Philippines-AFP, at ang Philippine National Police-PNP at iba pang ahensiya para siguruhin ang kaligatasan ng Reyna ng Spanya.

      Ayon kay Gobernador Salceda, ang pagbisita ng Reyna ng Spanya (Queen Sofia) ay tunay na maipagmamalaki ng Albayano dahil iilan lamang sa maraming lalawigan sa bansa ang bibisitahin nito. at mapalad ang Albay na sa kauna-kaunahang pagkakataon ay bibisita sa lalawigan ang naturang Reyna.

   Magugunita na ang bansang Espanya ang isa sa mga bansang masugid at walang sawang nagbibigay tulong sa lalawigan ng Albay sa pamamagitan ng Ahencia Espanola de Cooperacion Internacional para el Desarrollo-AECID na kung saan napakarami ng prohekto ang naibigay sa Albay kagaya ng mga silid aralan, mga kalsada, at iba pang mga prohektong higit na kailangan ng bawat mamamayan. Isa sa mga nais gawin ng Reyna sa kaniyang pagbisita ay ang makapagpakuha ng larawan na kasama ang ipinagmamalaki ng Albayano ay ang Bulkan Mayon. at ilang pang lugar pang turismo sa Albay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento