Ni: Dante Dayandante
“Motorcycle Act of 2009 o HELMET LAW Priority Ngayon: LTOPriority ngayon ng LTO (Land Transportation Office) ang Information dissemination tungkol sa “HELMET LAW” at sa susunod na Buwan isasabay na ang Enforcement na kung saan may mga mabibigat na penalty ang ipapataw ng LTO sa mga Violators alinsunod sa R.A. 10054,
Ito ang sinabi ni Mar Magistrado ang Task Force chief ng LTO sa syudad ng Legaspi. Aniya, Bawal na ang mga Helmet na sinusuot ng mga minero, Construction worker at maging ang Helmet na sinuot ng mga Cyclists bilang proteksiyon ng mga motorista.
Itoy alinsunod sa batas at dapat dumaan sa quality standard ng DTI( Department of Trade and Industry) at BPS (Bureau of Product Standard) na kung saan pag nakapasa dito lalagyan ng IIC-DOT sticker, wala namang sinabi kung full face o half face ang klase ng helmet basta meron nakadikit na sticker.Ani ni Magistrado,” pag nakapag comply, ang DTI naman ang bahala sa mga nagtitinda, At sila naman (LTO) ang bahala sa pag apprehend, ng mga tumatakbo sa Kalsada.” Ang nasabing klase ng helmet ipinaalam na ng DTI nuong nakalipas na Buwan ng Abril sa isang pagtitipon kasama ang mga dealer ng motorsiklo sa syudad ng Legaspi.
Dinagdag pa ni Magistrado, base sa Memo circular na ipinalabas ng LTO malinaw na ipinagbabawal ang pag modify ng motorsiklo , ibig sabihin kung anu ang product ng manufacturer na inilagay sa motorsiklo nasa safety na lahat dahil dumaan sa mga tests ito bago inilabas, Inihalintulad niya ang pag palit ng shock absorber sa lowered type na motorsiklo at kanyang sinabi na may risk na ito o may safety problem na.
Nagkaroon lang ng Moratotorium sa implementation nito kung kaya sa 2013 na ito malamang maimplement. Kung kaya ang mga pinag modify na Motorsiklo bawal na at huhulihin at I impound na mayroong penalty na (5,000.00 Php) pesos.kasama na rin ang defective muffler, at mga binagong busina.
Ipinagmalaki rin ni Mar Magistrado ang pagkakalansag ng mga motorsiklo na maiingay sa syudad ng Ligao lalo pagsapit ng Dis Oras ng Gabi na kung saan kanilang bingyan aksiyon,
Dagdag pa niya na kung may reklamo pa sa ibang lugar tumawag lang sa oficina at bibigyan agad ng aksiyon..Ang Campaign of Enforcement ay gagawin na sa susunod na Buwan at para sa kaalaman ng mga Violators: 1st offense 1,500.00, 2nd offense 3,000.00, 3rd offense 5,000.00, at 4th offense 10.000.00, aniya lahat ng violation na titrace dahilan sa computerized na ang nasambit na tanggapan., Halimbawa, nahuli ka, tapos tutubusin mu na ang violations mu, kapag nakita sa computer na may first offense automatically nasa 2nd offense ka na, ani ng LTO Task Force Chief Magistrado.
Mas safe talaga pag nakahelmet. I agree, its for the safety for everyone! Sakit.info
TumugonBurahin