Linggo, Hunyo 3, 2012
COMPUTERIZATION PROGRAM NG GSIS MALAPIT NG MAKOMPLETO
Ni: Nancy Mediavillo
80% sa kabuuang computerization program ng Government service insurance system o GSIS sa buong bansa ay nakamit na. Ayon kay Board of Trustee Karina Constantino David sa kanyang pagdalo sa Regional Consultative Dialogue with Public Sector Unions sa buong Bicol. Ito ay isinagawa sa Hotel Venezia function hall dito sa Lungsod ng Legazpi kahapon. Aniya ang natitirang 20% ay maisasakatuparan hanggang sa katapusan ng taon. Kanyang binanggit makalipas ang anim na buwan, sa oras na makompleto ang computerization program, ang record ng bawat isang miembro ay tugma sa record ng kanilang tanggapan kumpara sa on line records.
Samantalang ukol sa pagproseso ng mga loan applications mula sa dating 3ng araw, kapagka makompleto ang lahat na reforms, aabot ito sa 12ng oras hanggang walong oras. Binanggit din nito, ang ilang espisipikong reforms, kagaya nang, ang isang pensioner ay hindi kailangang magreport sa GSIS tuwing kaarawan nito para makumpirma na ito ay buhay pa. Ukol naman sa survivorship claims, lahat ng tinanggalan nito noong taong 2009 ito ay ibinalik ng kanilang tanggapan. Samantalang noong nakalipas na mga panahon, ang isang kawani ng pamahalaan na magreretiro ay walang benepisyong natatanggap dahil sa dami ng kanyang utang. Aniya na bigyan na rin ito ng solusyon.
Ayon kay David sa kabuuang reforms ng GSIS, target nitong makompleto sa loob ng anim na taon. Aniya sa kanilang pag upo sa loob ng isa at kalahating taon. Kanilang naisakatuparan ang one third sa kabuuang tinatayang mga reforms.
Sinabi rin ni David, ang kasalukuyang operational expenses ay naibaba sa 4.8%, mula sa mahigit 6% noong nakalipas na administrasyon mula sa ceiling na 12%. Dagdag pa ng opisyal, sa buwan ng Hunyo ngayong taon, target na maging operational ang GSIS Call Centers.. Ang operasyon nito ay 24/7 at 50ng katao ang itatalaga dito. Ang queries sa call centers ay lahat local calls.
Samantalang ang kabuuang assests ng GSIS ay 650ng bilyong piso. Ang actuarian life nito ay sa loob ng 45ng taon simula ngayon. Sinabi rin ni David, maayos ang mga investments at properties na binibili ng GSIS, habang well represented mula sa ibat ibang sector ang board of trustees nito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento