Kanina lamang ay inihatid na sa kaniyang huling hantungan ang labi ni Laesybil Lim Almonacid 19 anyos, estudyante ng Bicol University na naging biktima ng karumal dumal na krimen sa Bascaran, Daraga, Albay.
Si Laesybil ay kilala ng kaniyang mga kaklase bilang isang tahimik at mabait na kamag aaral, matalino, at mayroong malawak na pangarap para sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga mahal sa buhay, lalo na sa kaniyang lola Angelina na siyang nag aroga at nagpalaki sa kaniya. Tulad ni Laesybil at ng kaniyang pamilya, marahil lahat tayo ay minsan ding nangarap na sa bawat kabiguan ay mayroong hapding nararamdaman.
Ang kabiguan ng pamilya Almonacid sa kanilang mga pangarap ay higit na mahapdi, dahil ang pagkawala ni Laesybil ay hindi naaayon sa kagustuhan ng panahon, ito ay sanhi ng kasakiman ng iilang nilalang na kampon ng kasamaan. Hindi ito matanggap ng kaniyang pamilya,mga kaibigan, mga ka klase at mga taong nagmamahal kay Laesybil. Bakas sa mga mukha ng lahat ang hangarin na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Laesybil,
Ang bawat hikbi at paghihinagpis ni lola Angelina at ng ina ni Laesybil ay tumatagos sa puso ng bawat isa na sumaksi sa paghahatid kay Laesybil, at isa rin ako sa mga sumaksi sa pinakahuling yugto ng minsang nangarap na si Laesybil. habang pinagmamasdan ko ang mukha ng bawat isa, nakikita ko ang naghahalong poot, galit at panghihinayang sa sinapit ni Laesybil, kagaya ng paghalo ng pawis at luha habang inihahatid si Laesybil sa kaniyang magiging permanenteng himlayan, at sa bawat paghuhumiyaw ni lola Angelina, ramdam na ramdam ko ang hapdi dahil minsan din akung nangarap at dumanas din ng kabiguan.
Bitbit ang labi ni Laesybil, iniikot ito sa mismong harapan ng military detachment na kung saan malapit lamang sa bakod nito ang lugar na kinatagpuan ng bangkay ni Laesybil, nagmotorcade ang grupo mula sa Bascaran, Daraga, patungo sa loob ng Bicol University, sa paglabas nito sa naturang unibersidad, saglit itong tumigil sa harapan ng Camp Heneral Semeon Ola, na kung saan ay kaharap lamang ng Bicol University, habang nasa harapan ng kampo ang grupo, nagpapatugtog naman ng malakas ang kampo, marahil para hindi marinig ang ingay ng mga kabataang estudyante at mga taong nagmamahal kay Laesybil na naghuhumiyaw para sa paghahanap ng katarungan para sa biktimang si Laesybil.
Mula sa Camp Ola, si Laesybil ay deretso nang dinala sa Binitayan Catholic Cemetery, sa Binitayan, Daraga, Albay na kung saan doon na ang kaniyang pinakahuling destinasyon.
Mayroon pa nga bang Proteksiyon ang mamamayan?
Sa unang araw pa lamang mula ng matagpuan ang bangkay ni Laesybil, agad naglaro sa aking isipan ang mga katanungan kung mayroon pa nga bang proteksiyon o ligtas pa ba ang ating mga kababayan sa sarili nating lugar? ito ay dahil si Laesybil ay nakitang wala ng buhay mismo malapit sa isang detachment ng militar na mayroong malaking responsibilidad para sa pagbibigay ng proteksiyon sa mamamayan. Sabi ko nga sa aking unang naisulat kaugnay sa kasong ito ni Laesybil, malaking insulto ito sa hanay ng ating mga awtoridad na mismong nasa kanilang harapan na ay mayroon pa ring nagaganap na kriminalidad, ngunit higit na masakit, at malaking insulto ito sa hanay ng mga matitino, at mga makabayang sundalo na ang lumalabas na pinaghihinalaan ngayon ay ang isang myembro ng CAFGU o Citizen Armed Forces Geographical Unit na mismong nabibilang sa kanilang hanay.
Marami ng kriminalidad na nagaganap diyan sa bayan ng Daraga,Albay. panggagahasa,pagnanakaw at pagpatay, na ang tinutukoy na mga salarin ay ang tinatawag na “bonet gang” at ang bonet gang na ito ay hinihinala din na mga myembro ng CAFGU na kinakalinga ng AFP. bagama’t itinatanggi ito ng AFP, marahil napapanahon na rin siguro na linisin ninyo ang inyong hanay dahil sa maraming batik na nakakulapol na sa inyong uneporme dahil sa kabuktutan ng iilan. Ang pagtatanggi ng AFP na walang kaukulang aksiyon upang linisin ang kanilang hanay ay maituturing na isang senyales ng pagkonsente sa kasamaan.
Hindi lamang ang AFP ang naiinsulto sa mga nagaganap na ito, kundi maging ang nasa hanay ng PNP na siyang naatasang mag imbestiga sa ganitong uri ng kriminalidad. kung magugunita natin nitong mga nakaraang buwan, na kung saan sunod sunod ang mga nagaganap na holpdup at pagpatay sa biktima mismo se sentro ng Legazpi, at iba pang kalapit na lugar, isang CAFGU din ang tinutukoy doon ng mga awtoridad na kasama sa mga grupong responsabe sa mga naturang krimen, ngunit sa ngayon, wala na po tayong balita sa kung ano ang kinahinatnan ng kaso.
Malaki ang paniniwala ko sa kakayahan ni Albay PNP Provincial Director William Macaventa na sa kasong ito ni Laesybil Lim Almonacid ay mayroong napakalaking papel ang Albay PPO para resulbahin ang kasong ito, dahil ang PNP ay hindi papayag na patuloy silang gaguhin, insultuhin at gawing inutil ng mga kriminal na ito para sa paglutas ng napakarami ng kaso na katulad ng kaso ni Laesybil.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento