Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

Media’s turn to bolster mainstreaming advocacies and strategies on climate change adaptation …Albay hosts anew media interfacing

by Marlon A. Loterte

LEGAZPI CITY, November 21 (PIA) – With provincial, city and town chief executives across the country earlier demonstrating their commitment to develop resilience and adaptive capacities of communities to the adverse impacts of the changing climate, now it’s media’s share to bolster mainstreaming advocacies and strategies on climate change adaptation in the country.

Governor Joey Salceda of Albay, UN senior global champion on climate change adaptation and UN climate fund advisor, said the conference forms part of the series of sectoral interfacings in mainstreaming strategies on adaptation to the changing climate wherein no doubt the media has very important role to play.

Albay province, acclaimed a key front liner in CCA advocacy in the country and abroad, takes the lead anew in staging the Philippine Media Conference on Climate Change Adaptation set on November 24-26 at the Bicol University here.

Salceda said that President Benigno Simeon C. Aquino III is invited to keynote the convention on November 25 and lead the inauguration of the Climate Change Academy.

Salceda furthered that the media convention will gather selected media practitioners and foreign correspondents from different organizations in a three-day workshop to tackle climate change implications and challenges, related disasters vis-à-vis media’s action, along with other sectors, on preparedness, adaptation and mitigation.

The interfacing, according to him, also intends to promote awareness on climate change vulnerabilities and extremities, putting emphasis the need to accelerate programs and policies in pursuit of the achievement of Millennium Development Goals (MDGs) at the local level, and advocate the use of science-based analytical and planning tools on climate change adaptation and disaster risk management, among others.

Meanwhile, Manuel “Nong” Rangasa, executive director of the Center for Initiative and Research on Climate Adaptation (CIRCA), told PIA News Service that the Philippine Media Conference on Climate Change Adaptation is part of the over-all effort of the Climate Change Commission (CCC), Presidential Communications Operations Office, Presidential Adviser for Environmental Protection, Presidential Adviser on Climate Change, Department of Environment and Natural Resources and Department of Science and Technology, National Economic and Development Authority, Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas, National Press Club in partnership with the Joint Programme MDG-F1656, United Nations Development Programme and Spanish Government-Agencia Espanola de Cooperacion International Para El Desarollo.

Earlier, a series of Summits on Mainstreaming of CCA among local government units (LGUs) were held in different parts of the country that evidently manifests that the implementation of direct adaptation measures remains local or lies on the hands of LGUs and residents.

Albay already hosted and sponsored the three CCA summits involving the League of Governors of the Philippines held in Albay on November 2010 and League of City Mayors in Iloilo on December, also last year, while League of Municipalities on March this year. (MALoterte, PIA V)

NUJP Albay nakiisa sa paggunita sa ikalawang taon ng paghahanap ng hustisya sa mga biktima ng Maguindanao Massacre



Ang Nobyembre 23 ay ang araw ng deklarasyon ng International Day to End Impunity, ito rin ang araw na kung saan ginugunita ng buong Media community hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo ang pangalawang taon (2 Years) ng paghahanap ng hustisya sa mga naging biktima ng Maguindanao Massacre na kung saan pinatay ang aabot sa 58 katao, kasama na dito 33 mga mamamahayag.

kasabay ng mga pagkilos na isasagawa ng iba't-ibang grupo at organisasyon ng Media sa buong bansa para sa paghahanap ng hustisya sa lahat ng naging biktima ng Media Killings, ang NUJP Albay ay nakikiisa sa panawagang ito para sa paghahanap ng hustisya para sa mga naging biktima ng karumal dumal na krimen, hindi lamang sa mga biktima ng Maguindanao Massacre kundi sa lahat ng mga mamamahayag na napaslang, kasama na ang mga bikolanong journalists na biktima rin ng pamamaslang.

Ang Maguindanao Massacre ay ang maituturing na pinakatireble sa kasaysayan ng pagpatay sa mga mamamahayag na kung saan ang pilipinas ay nalagay sa ikalawang pwesto ng pinakang kritikal na lugar para sa mga mamamahayag sa buong mundo.Ang pagiging inutil at pagiging mabagal ng hustisya at ang kawalang aksiyon ng Gobyerno para papanagutin ang mga salarin ang siyang nagiging dahilan upang manatiling mayroong lakas ng loob ang mga kriminal para paulit-ulit na maganap ang ganitong uri ng kriminalidad sa bansa.

Sa ikadalawang taon ng anibersaryo ng Maguindanao Massacre ay tila nanatiling sariwa pa rin ang sugat para sa mga kapamilya ng biktima dahil sa tila mailap na hustisya para sa mga kapamilya ng napaslang. sa halos isang daang porsyento ng naisampang kaso laban sa pamilya Ampatuan at sa mga kasabwat nito, halos 2 porsyento pa lamang nito ang pormal na nagkaroon ng arragement na isang senyales na ang laban ng pamilya at ng mga mamamahayag para sa pagkamit ng hustisya ay magtatagal pa at tila umpisa pa lang ng laban.

Bilang pakikiisa sa mga kapamilya ng mga biktima ng pamamaslang, ang NUJP Albay ay tuloy tuloy na magsasagawa ng kampanya hindi lamang sa araw na ito kundi hangga't ang hustisya ay hindi napapasakamay ng mga naulila, at mga kapamilyang naghahanap ng katarungan.JUSTICE FOR ALL VICTIMS OF MAGUINDANAO MASSACRE, JUSTICE FOR ALL VICTIMS OF MEDIA KILLINGS! WILLY V. SALAZAR Chairman NUJP-Albay Chapter

Lunes, Nobyembre 21, 2011

Philhydro may posibilidad na maipasara?

Buong pagmamalaki noon ng Legazpi City Water District at ng mga broker nito sa City Hall na umano’y magiging maganda ang serbisyo nito kung papayagan ng mga Legazpinyo ang pagpasok ng Philhydro, na isang pribadong kompanya. ipinagmamalaki nila noon maging ni Dating Mayor Noel Rosal na ngayon tumatayong City Administrator na ang tubig ng Legazpi City Water District ay magiging malinis na kagaya ng mineral water na ating nabibili sa mga refilling stations.

Di lingid sa kaalaman ng marami sa atin noon ang ginagawang pang gagapang ng mga alagad ng Philhydro sa mga opisyal ng lungsod at mga director ng LCWD na kung saan sila ay napabalita noon na nag ooffer ng malaking halaga para lamang makuha ang kontrata.

Ang ganitong pamamaraan ay tinangka din nilang gawin sa Daraga Water District, subalit hindi nagtagumpay ang Philhydro, at gumastos lamang sila ng malaking halaga para kumbensihin ang mga director ng Daraga Water District, na kung saan mismong taga Legazpi City Water District pa ang broker nito. Sa kasagsagan ng negosasyon sa Daraga Water District na kadalasang sa metro manila pa nagaganap ang negosasyon bitbit ang malaking halaga na umano’y pangsuhol sa mga director.

Subalit hindi ganun kadaling nakumbense ang mga opisyal ng Daraga Water District, dahil alam nila na hindi magiging maganda ang serbisyo ng naturang kompanya dahilan sa umpisa pa lamang ay kinakitaan na nila ito ng iregularidad sa negosasyon pa lamang.

Ang LCWD at Philhydro ay mayroong sariling laboratoryo na siyang nag eexamine ng tubig na kanilang isinu supply sa mga consumers ng LCWD, natural lamang na magiging negatibo sa bacteria ang kanilang tubig gayong kung titingnan mo ang kanilang tubig ay napakalabo at kulay kalawang, sinasabi ng mga tagapagsalita ng LCWD at ng Philhydro na ang kanilang tubig ay ligtas na inumin ng tao, pero ewan, baka maging sila man ay hindi maaatim na uminom sa kulay kalawang na tubig.

Nitong nakaraang linggo lamang, mayroong napaulat na namatay dahilan sa pag inom ng tubig mula sa LCWD, bagama’t ito ay itinatanggi ng mga tagapagsalita ng naturang tanggapan, mismong si Mayor Geraldine Rosal ay nagpalabas ng kautusan o advisory sa mga mamamayan ng Legazpi na huwag iinom ng tubig mula sa LCWD o kaya naman ay pakuluang maigi (25 minuto) para masigurong namatay na ang bacteria.

Sa isinagawang pagsusuri ng University of the Philippines Natural Sciences and Research Institute (UP-NSRI) lumabas na ang tubig na isinusupply ng Philhydro at LCWD ay hindi naaayon sa Philippine National Standard for Drinking Water (PNSDW), nakita din sa isinagawang pag aaral na ang tubig na dumadaloy sa mga gripo ng bawat konsumedor ay positibo na mayroong mataas na level ng tinatawag na magnesium hardness (calcium carbonate) at ang total dissolved solids (TDS) ayon sa pag aaral, ang pagkakaroon ng mataas na magnessium sa tubig ay maaring maging sanhi ng paglaki ng bato o Kidney stones lalo na kung madalas ang pag inom nito.

Ayon kay Engineer Alain Mape, Provincial Sanitary Office. posibleng maipasara ang Philhydro kung mapapatunayan base sa isasagawang pag aaral ng Department of Health (DOH) na mayroong paglabag sa Sanitation Code of the Philippines ang naturang kompanya.

Sa kasalukuyan, ang permiso sa pagnenegosyo ng PhilHydro ay ibinasura ng lokal na pamahalaan ng Legazpi base na rin sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH) dahilan sa umano’y pumalya ang naturang kompanya na mag comply ng mga rekesitos o requirements na kinakailangan para sa pag operate ng water supply facility.

Ayon kay DOH regional director Nestor Santiago, ang Philhydro umano ay nagkaroon ng tatlong paglabag, una, ang kabiguan ng Philhydro na magsecure ng initial permit sa DOH to develop a drinking water supply system. Pangalawa, secure a DOH Operational Permit, at ang pangatlo, ay ang marumi at ang mabahong tubig na kanilang isinusupply sa mga konsumedor na siya ngayong inerereklamo ng mga konsumedor, at iba pang mga Non Government Organizations.

kung ating matatandaan, nitong nakaraang Hunyo ng kasalukuyang taon, ang Sangguniang Panglunsod ng Legazpi ay nagpadala ng notice of violation na kung saan binibigyan ng 60 araw ang Philhydro para kumpletuhin ang mga requirements subalit bigo ito na magcomply sa hinihinging requirements ng DOH hanggang sa natapos na ang ibinigay na palugit.

Ayon sa ating impormasyong nakuha, si Rolando Mangulabnan, chief operating officer ng Pholhydro ay humihingi umano ito ng anim na buwang extension (6 Months) para makumpleto nito ang hinihinging requirements ng Deapartment of Health, nakuh bakit pa? kung tutuusin, dapat sa umpisa pa lamang ay ginawa na nila yun. kung hindi pa nagreklamo ang mamamayan eh mukhang wala naman silang ginawa, napakamahal ng kanilang sinisingil gayung hindi naman pala malinis ang kanilang ibinibentang tubig sa mga konsumedor.

Ang masaklap, kailangan pa bang mayroon munang magkasakit o mamatay bago tayo umaksiyon? gayung malinaw naman na hindi sila pumasa at hindi sila kwalipikado ng magsupply ng malinis na tubig na kagaya ng kanilang ipinangangalandakan noon. pamini-mineral water pa kayo, eh funeral water pala ang gusto ninyong ipainom sa mga Legazpinyo.

Ngayon, nasaan na yung mga opisyal ng LCWD? magkano ba ang inyong kinita sa Philhydro? pati yung mga broker diyan sa City Hall, nasaan na kayo? napaghahalata tuloy na halos hindi nila magalaw ang Philhydro ngayon dahil sa malaking kickback na nakuha noong kasagsagan pa lamang ng negosasyon. hay buhay, pera nga naman. marami ang nagagawa ng pera, kahit ang mga mata ng ating mag lider ay kayang kayang takpan, huwag na lang mag ingay kahit na mayroong nakikitang iregularidad sa transaksiyon, kahit na ang nakataya dito ay ang kalusugan ng mamamayan.

Linggo, Nobyembre 20, 2011

1 na namang Dalaga, natagpuang patay sa Central City, sa Legazpi City

Legazpi City- Muli na namang naulit ang isang karumal dumal na krimen na ikinagulat ng mga Albayano kaninang umaga sa pagkakadiskubre sa bangkay ng dalaga na nakilala sa pangalan na Maria Sarrah Aragon ng Central City Subd, Legazpi City.

Itinuturing ng mga awtoridad na Crime of Fashion ang naturang krimen, na kung saan mismong ang boyfriend at ex boyfriend ang siyang pangunahing suspek sa pagpatay kay Maria sarrah Aragon. Si Aragon ay katatapos pa lamang sa kaniyang pag aaral nitong nakaraang taon sa AMA Computer College sa Legazpi, at ito ay kasalukuyang naghahanap ng trabaho.

Ayon sa mga kapamilya ng biktima, dakong alas dose kagabi ng lumabas ang naturang biktima para kausapin ang kaniyang Ex Boyfriend na nakilala sa pangalang Vicente Natividad 34 anyos ng Taysan, Legazpi City, na nasa labas ng kanilang bahay. Narinig pa umano ng mga kapamilya nito na nag uusap ang dalawa at tila mayroong pagtatalo habang nag uusap ang biktima at ang suspek.

Kinaumagahan ay nagulat na lamang sila ng wala sa kwarto ang biktima, at higit na ikinagulat nila ng sa hindi kalayuan sa kanilang bahay ay mayroong pinagkakaguluhan na isang bangkay ng babae na agad naman nilang nakilala dahil sa kasootan nito.

Agad namang inimbitahan ng mga awtoridad ang mga pangunahing suspek para sagutin ang mga katanungan para sa ikakalutas ng nasabing krimen.

Samantala, nangako naman ang pamunuan ng PNP Provincial Command sa pangunguna ni Provincial Director P/Supt, Welliam Macaventa na kanilang paiigtingin ang kanilang ginagawang imbestigasyon para sa mabilis na paglutas ng naturang kaso.

Sabado, Nobyembre 19, 2011

Libreng tawag para sa pasko, Handog ni Governor Salceda para sa mga OFW’s


Legazpi City-Malaking tulong para sa mga kapamilya ng OFW’s ang plano ni Gobernador Joey Sarte Salceda na maglagay ng booth para sa libreng tawag at texts mula sa mga Telephone Companies kagaya ng Bayantel.PLDT, Smart,Globe, at Suncellular.

Ayon kay Ms. Eden Gonzales ng office of the Governor, nitong isang lingo pa ay mayroon na silang ginagawang negosasyon sa mga Telco’s upang maisagawa ang plano ng gobernador bilang handog sa mga kapamilya ng mga OFW’s na nais na makausap ang kanilang mga mahal sa buhay na nasa iba’t-ibang panig ng mundo particular sa mismong araw ng pasko.

Planong ilagay ang naturang booth malapit sa Green Christmas tree na mismong nakatayo sa ibabaw ng Penaranda Park, sa harap mismo ng kapitolyo. Ang naturang “Libreng Tawag Booth” ay magiging bahagi ng halos isang buwang programa ng pamahalaang local ng lalawigan,particular ang Karangahan Albay Green Christmas,(KAGC)

Samantala umani naman ng positibong reaksiyon ang ideya ng Gobernador dahil sa malaking tulong umano ito upang kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan ng mga OFW na sa panahon ng pasko ay malayo sa kani-kanilang pamilya at mga mahal sa buhay. Dagdag pa dito ang kaluwagan na wala silang iisiping gastusin para lamang makausap ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ang Green Chistmas ay pangalawang taon na itong gaganapin sa Albay, subalit kapansin pansin ang kaibahan nito kesa noong nakaraang taon, na kung saan ay mas pinatatampok dito ang Culinarya o ang mga masasarap na putahe o pagkain na tunay na maipagmamalaki ng Albay.

Patatampokin din dito ang iba’t-ibang programa, kagaya ng MusicHero na kung saan ay magpapagalingan ang mga banda ng iba’t-ibang sangay ng Armed Forces of the Philippines-AFP, Philippine National police, at iba pa.

Police Trainee na namatay umano sa Pulmonya, isasailalim sa otopsiya..

Legazpi City- Nakatakdang isailalim sa otopsiya ang bangkay ng isang police trainee sa camp Semeon Ola sa Lungsod ng Legazpi na umanoy namatay sa pulmonya nito lamang nakaraang Nov, 9 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa report, dakong alas 7:00 ng gabi ng bawian ng buhay si Dante Lumbis, 30 anyos na nagmula pa sa Pili sa lalawigan ng Camarines Sur.

Layunin ng naturang otopsiya na alisin ang pagduda ng pamilya sa posibildad na nagkaroon ng foul play o ang pagduda na maaring nabiktima ng hazing ang naturang police trainee.

Ayon sa report, agad namang dinala ang biktima sa Bicol regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) ng mapansin ng kaniyang mga kasama na mayroon itong mataas na temperature o lagnat at doon na ito nalagutan ng hininga.

Pulmonya ang itinuturong rason maagang pagkamatay ni Lumbis, subalit para mawala ang agam agam o pagdududa ng pamilya kung kaya’t ito ay nakatakdang isailalim sa otopsiya para malaman ang totoong dahilang ng kaniyang pagpanaw.

Si Lumbis ang isa sa 400 bagong recruit na pulis na nagsumpa noong isang lingo na kung saan sila ay tatlong araw nang sumasailalim sa regional police training sa naturang kampo.

Partesipante sa Philippine Add Congress sa Camarines Sur, nanakawan ng mamahaling gadgets?

Naga City- Muli na namang umiral ang pagsasamantala ng ilang kawatan sa Naga City sa ginagawang ika 22 Ad Congress sa naturang lalawigan, ito ay batay sa report ng Naga City PNP, na kung saan naitala ang kaso ng pagnanakaw sa ilang partesepante sa naturang aktibidad.

Ayon kay Mr. Jade Calapatia, 25 anyos na nagmula pa sa Olongapo City, at kasalukuyang naka check inn sa Sampaguita Tourist Inn, lumabas lamang umano siya saglit sa kaniyang kwarto para sa isang importanteng kausap subalit ng siya ay bumalik sa kaniyang kwarto ay napansin nito na wala na ang kaniyang pouch bag na naglalaman ng kaniyang mamahalin na apple i-pad.

Naging palaisipan naman sa mga pulis kung saan dumaan ang nasabing magnanakaw dahilan sa wala namang senyales ng sapilitang pagpasok sa naturang kwarto, particular sa Room 202 ng naturang Hotel.

Dahilan nito, plano ng mga awtoridad particular ng Naga City PNP na tingnan ang laman ng CCTV ng naturang Hotel para malaman kung paano nakapasok o saan dumaan ang naturang magnanakaw kung mayroon man.

Biyernes, Nobyembre 18, 2011

Governor Salceda, nanawagan ng suporta para sa inaasam na muling masungkit ng lalawigan ang Galing Pook Award


Legazpi City- Buong pagmamalaki na ipinamalita ni Gobernador Joey Sarte Salceda sa pamamagitan ng kaniyang Facebook Account na sa daan daang entries ng mga Local Government units sa buong bansa, isa ang Albay sa mga napili bilang finalist sa 2011 Galing Pook Award for good governance.

Ayon sa Gobernador, ang entry ng Albay ay mayroong titulo na “Albay Health Strategy towards Early Achievement of MDG’s. kaugnay nito, nanawagan ang gobernador ng lalawigan ng suporta sa pamamagitan ng pagdarasal ng bawat Albayano na kung saan sa darating na Nobyembre 29 ng kasalukuyang taon ay isasagawa na ang pinal na presentasyon nito.

Magugunita na nitong nakaraang taon, halos sunod sunod na nakuha ng Albay ang naturang Galing Pook Award dahilan sa pagsusumikap ng pamahalaang local ng Albay, particular sa pagharap nito sa mga problema sa panahon na ang Albay ay sinasalanta ng iba’t-ibang kalamidad, ang Albay din ang siyang naging modelo maging sa iba’t ibang lalawigan dahil sa kahandaan nito sa pagharap sa problemang dulot ng kalamidad at ganun din ang pinapakitang pagkakaisa ng mga mamamayan tungo sa layuning maprotektahan ang buhay ng bawat isa o ang zero casualty.

Dahil dito, muling nanawagan ng suporta ng gobernador sa mga Albayano para muling masungkit ng ating lalawigan ang naturang Galing Pook Award ngayong taon.

KARAPATAN BIKOL, NUPL-BIKOL at PAMILYA ESTRELLADO DISMAYADO SA TINATAKBO AT PAGDEDELAY NG MILITAR SA KASO NG PAGPATAY KAY RODEL




Legazpi City-Dismayado ang pamilya ni Rodel Estrellado, at ang National Union of Peoples Lawyer (NUPL) ganun din ang Karapatan-Bikol dahil sa tela pagdedelay ng Preliminary Investigation sa isinampang kaso ng CIDG at ng NUPL sa 9 na mga miyembro ng Militar.

Ayon kay Vince Casilihan ng Karapatan-Bikol, Isa itong malinaw na delaying tactics ng mga Militar para sila ay hindi agad makasuhan.



Ginagamit ng mga militar ang korte upang matakbuhan sa pinakamahabang paraan ang pagkakamit ng hustisya at katotohanan na sila ang may kagagawan sa pagpaslang kay rodel estrellado.

Isa din ang kaso ito sa malakas na laban upang ituro ang mga militar na ito ay sangkot sa pandurukot at pamamaslang sa mga aktibista at miyembro ng mga militanteng grupo.

Kahiya hiya ang mga kabalintunaan ng mga militar sa paglulubid ng kasinungalingan na ang pagkakapaslang kay rodel estrellado ay isang lehitimong enkwentro, subalit huling huli sila sa akto kasama ang dating spokesperson na si Cabunoc sa nagpalabas ng statement na patay na si rodel estrellado. Mahihirapan silang makatakas sa katotohan dahil matindi ang ebensiyang hawak ng complainant na madiin ang mga ito.

Malinaw din ito na may kasalanan sila dahil naghahanap pa sila ng rason at palusot kung papaano nila malalagpasan ang kasalanan nila at kunway napatay si rodel estrellado sa isang enkwentro, at nagpalabas pa sila ng press statement ng 6 am sa mga ,media na may napatay na miyembro ng NPA sa Brgy Buluang, Bato subalit malinaw sa mga witness ay dinukot si rodel ng bandang alas 8:30 ng umaga sa bayan ng malilipot, albay.

Sa tagal ng pag aksyon ng prosecution (albay Provincial prosecution office, in ligao city) hinggil sa kaso ng pagpatay ayon sa ating konstitusyon at batas lalong lalo nakapag kahalintulad na ganitong kaso, nararapat na pagkatanggap na pagkatanggap ng prosecution ng isinampang kaso sa respondents within 60 days ay dapat na magkaroon na agad ng resolution ang prosecution kung ano ang mangyayari sa kasong isinampa laban sa mga military.

Ang mga kinasuhan ay sina Maj. Danilo Ambe, Lt. Mariel Bonilla, S/Sgt. Deogracias Sarmiento, Pfc Edgardo Tala, Pfc Zander Aler, Pfc Suege Tubig, Pfc Casiano Belangel Jr., Private Alvin De Villa, Pfc Jessie Villareal and several John Does for the death of Rodel Estrellado on Feb. 25.

Nagfile ng Motion to Resolve ang mga abogado sa pangunguna ng NUPL ngayong araw Nov. 18,2011 sa Albay Provincial Prosecution Office, Ligao City.
Dahil noong 1. Mayo 19, 2011 nagfile si PSSupt. Edwin M. Diocos ng CIDG sa Camarines Sur Provincial Prosecution Office, noong 2. Mayo 23, 2011 nagfile si Marilyn Estrellado asawa ni Rodel Estrellado thru counsel filed a Notice of Appearance with Motion to Transfer/Change Venue asking the Camarines Sur Provincial Prosecution Office to inhibit from the case and transfer venue due to geographical location, distance of the prosecution office from the residence of the witness at dominant physical appearance ng members of the 42nd IB at 9th ID of Philippine Army to which the respondents are assigned. 3. Without notice to the counsel of Wife of rodel, the case was transferred from Camarines Sur Provincial Prosecution Office to Albay Provincial Prosecution Office. Again without notice to the counsels, the case was initially set for clarificatory hearing on October 21,2011 but the same was postponed again alledgely upon the motion filed by the respondents for extension of time to present evidence and was reset on November 18,2011. 4. On November 18,2011, the counsel and witnesses for the private complaints are still set for preliminary investigation but the scheduled hearing was reset again by the Prosecution alledgely due to another motion and without notice to the counsels and witnesses and without giving the complainants the opportunity to file a comment in any of the motion filed by respondents.

Hamon ng Karapatan-bikol, National Union of Peoples Lawyer-bikol at Marilyn estrellado sa gobyerno at husgado na aksyunan agad sa pinaka mabilis na paraan ang kasong ito upang maiwasan ang pagiisip na gusting balewalain at isantabi ang kaso ng pagpaslang kay Rodel Estrellado.
.

Mga Biktima ng Human Rights Violations sa Guinobatan nakakuha ng kakampi


Legazpi City- Pinuri ni Board Member Ricky Ziga ng unang distrito ng lalawigan ng Albay ang mga residente sa ilang barangay sa Guinobatan na naglakas loob na lumantad at humarap sa isinagawang committee hearing sa Sangguniang Panlalawigan kaugnay sa umano'y mga pang aabuso ng militar sa karapatang pantao sa kanilang lugar.



Ayon kay Board Member Ricky Ziga, ang paglalakas loob ng mga residente na umano’y nabiktima ng mga pang aabusong ito ay malaking tulong upang mapigilan pa ang mga posibilidad na pang aabuso pang muli sa mga darating pang araw. Ayon pa sa opisyal, ang ginawang committee hearing ay siyang magiging basehan ng kaniyang komitiba upang magpasa ng rekomendasyon o resolusyon sa Commission on Human Rights sa region o maging sa nasyunal.

Ayon pa kay board member Ziga, hindi niya kokonsentehin ang mga ganitong kaso at kailangan mayroon silang gawing aksiyon upang mapigilan ang ganitong uri ng pang aabuso, sinabi pa ng opisyal na ang pagtatanggol sa karapatan ng mga mamamayan ay matagal na naging bahgi ng paglaban ng kaniyang mga magulang noong mgapanahon kung kaya’t siya bilang bagong halal na opsiyal ng lalawigan ay hindi niya papayagan na muling mamayani ang ganitong mga pang aabuso ng mga militar na dapat sana ay siyang nagbibigay ng proteksiyon sa mamamayan.

Sa naturang pagdinig, dumalo ang mismong mga biktima at ang grupong Karapatan Bikol, sa pangunguna ni Vince Casilihan at Mr.John Concepcion,kasama ang ilang kinatawan ng mga Peoples Organization tulad ng bagong Alyansang Makabayan, Gabriela, National Union of Journalists of the Philippines-Albay Chapter, naroon din sa naturang pagdinig ang kinatawan ng Provincial Peace and Order Council na si dating C/Insp.Rolly Esguera at ang Vice Chairman ng Committee on peace and Order and Public safety na si Board Member Herbert Borja ng ika’tlong distrito ng lalawigan.

Linggo, Nobyembre 6, 2011

Minsan din akung nangarap!


Kanina lamang ay inihatid na sa kaniyang huling hantungan ang labi ni Laesybil Lim Almonacid 19 anyos, estudyante ng Bicol University na naging biktima ng karumal dumal na krimen sa Bascaran, Daraga, Albay.

Si Laesybil ay kilala ng kaniyang mga kaklase bilang isang tahimik at mabait na kamag aaral, matalino, at mayroong malawak na pangarap para sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga mahal sa buhay, lalo na sa kaniyang lola Angelina na siyang nag aroga at nagpalaki sa kaniya. Tulad ni Laesybil at ng kaniyang pamilya, marahil lahat tayo ay minsan ding nangarap na sa bawat kabiguan ay mayroong hapding nararamdaman.

Ang kabiguan ng pamilya Almonacid sa kanilang mga pangarap ay higit na mahapdi, dahil ang pagkawala ni Laesybil ay hindi naaayon sa kagustuhan ng panahon, ito ay sanhi ng kasakiman ng iilang nilalang na kampon ng kasamaan. Hindi ito matanggap ng kaniyang pamilya,mga kaibigan, mga ka klase at mga taong nagmamahal kay Laesybil. Bakas sa mga mukha ng lahat ang hangarin na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Laesybil,

Ang bawat hikbi at paghihinagpis ni lola Angelina at ng ina ni Laesybil ay tumatagos sa puso ng bawat isa na sumaksi sa paghahatid kay Laesybil, at isa rin ako sa mga sumaksi sa pinakahuling yugto ng minsang nangarap na si Laesybil. habang pinagmamasdan ko ang mukha ng bawat isa, nakikita ko ang naghahalong poot, galit at panghihinayang sa sinapit ni Laesybil, kagaya ng paghalo ng pawis at luha habang inihahatid si Laesybil sa kaniyang magiging permanenteng himlayan, at sa bawat paghuhumiyaw ni lola Angelina, ramdam na ramdam ko ang hapdi dahil minsan din akung nangarap at dumanas din ng kabiguan.

Bitbit ang labi ni Laesybil, iniikot ito sa mismong harapan ng military detachment na kung saan malapit lamang sa bakod nito ang lugar na kinatagpuan ng bangkay ni Laesybil, nagmotorcade ang grupo mula sa Bascaran, Daraga, patungo sa loob ng Bicol University, sa paglabas nito sa naturang unibersidad, saglit itong tumigil sa harapan ng Camp Heneral Semeon Ola, na kung saan ay kaharap lamang ng Bicol University, habang nasa harapan ng kampo ang grupo, nagpapatugtog naman ng malakas ang kampo, marahil para hindi marinig ang ingay ng mga kabataang estudyante at mga taong nagmamahal kay Laesybil na naghuhumiyaw para sa paghahanap ng katarungan para sa biktimang si Laesybil.

Mula sa Camp Ola, si Laesybil ay deretso nang dinala sa Binitayan Catholic Cemetery, sa Binitayan, Daraga, Albay na kung saan doon na ang kaniyang pinakahuling destinasyon.


Mayroon pa nga bang Proteksiyon ang mamamayan?

Sa unang araw pa lamang mula ng matagpuan ang bangkay ni Laesybil, agad naglaro sa aking isipan ang mga katanungan kung mayroon pa nga bang proteksiyon o ligtas pa ba ang ating mga kababayan sa sarili nating lugar? ito ay dahil si Laesybil ay nakitang wala ng buhay mismo malapit sa isang detachment ng militar na mayroong malaking responsibilidad para sa pagbibigay ng proteksiyon sa mamamayan. Sabi ko nga sa aking unang naisulat kaugnay sa kasong ito ni Laesybil, malaking insulto ito sa hanay ng ating mga awtoridad na mismong nasa kanilang harapan na ay mayroon pa ring nagaganap na kriminalidad, ngunit higit na masakit, at malaking insulto ito sa hanay ng mga matitino, at mga makabayang sundalo na ang lumalabas na pinaghihinalaan ngayon ay ang isang myembro ng CAFGU o Citizen Armed Forces Geographical Unit na mismong nabibilang sa kanilang hanay.

Marami ng kriminalidad na nagaganap diyan sa bayan ng Daraga,Albay. panggagahasa,pagnanakaw at pagpatay, na ang tinutukoy na mga salarin ay ang tinatawag na “bonet gang” at ang bonet gang na ito ay hinihinala din na mga myembro ng CAFGU na kinakalinga ng AFP. bagama’t itinatanggi ito ng AFP, marahil napapanahon na rin siguro na linisin ninyo ang inyong hanay dahil sa maraming batik na nakakulapol na sa inyong uneporme dahil sa kabuktutan ng iilan. Ang pagtatanggi ng AFP na walang kaukulang aksiyon upang linisin ang kanilang hanay ay maituturing na isang senyales ng pagkonsente sa kasamaan.

Hindi lamang ang AFP ang naiinsulto sa mga nagaganap na ito, kundi maging ang nasa hanay ng PNP na siyang naatasang mag imbestiga sa ganitong uri ng kriminalidad. kung magugunita natin nitong mga nakaraang buwan, na kung saan sunod sunod ang mga nagaganap na holpdup at pagpatay sa biktima mismo se sentro ng Legazpi, at iba pang kalapit na lugar, isang CAFGU din ang tinutukoy doon ng mga awtoridad na kasama sa mga grupong responsabe sa mga naturang krimen, ngunit sa ngayon, wala na po tayong balita sa kung ano ang kinahinatnan ng kaso.

Malaki ang paniniwala ko sa kakayahan ni Albay PNP Provincial Director William Macaventa na sa kasong ito ni Laesybil Lim Almonacid ay mayroong napakalaking papel ang Albay PPO para resulbahin ang kasong ito, dahil ang PNP ay hindi papayag na patuloy silang gaguhin, insultuhin at gawing inutil ng mga kriminal na ito para sa paglutas ng napakarami ng kaso na katulad ng kaso ni Laesybil.



Itutuloy!

Biyernes, Nobyembre 4, 2011

Isang misa ang ini alay ng Bicol University para sa biktima na si Laesybil LIM Almonacid.Ang misa ay ginanap kahapon November 4, 2011 bandang ala-una


Sa pagtutulungan ng College of Business, Economics and Management Student Council (CSC-CBEM) at ng Bicol University Student Council (BU-USC) isang misa ang inialay para kay Laesybil Almonacid. Na kung saan dinaluhan ito ng maraming kabataang estudyante at faculty members mula sa ibat ibang college ng Bicol University, lalong lalo na sa CBEM. Naroon din ang mismong ng Presidente ng Bicol UNiversity na si Dr.Fay Lea Patria M. Lauraya at ang USC President na si Ruther Flores bilang pagpapakita ng suporta sa ginanap na banal na misa. Ang misa ay naglalaman ng taimtim na dasal para sa katahimikan ng kaluluwa ni Laesybil at gayundin sa mapayapa at maigting na paghahanap ng hustisya para sa pamilya at sa karumal-dumal na pagpaslang sa biktima.

Kaugnay nito, Naghanda ng maikling programa ang ilang kapwa mag-aaral ni Laesybil pagkatapos ng misa. Isang kanta na ini alay sa biktima na may pamagat na "Paglisan" na orihinal n kanta ni Cookie Chua na naglalaman ng mensahe na nanagsasabing kahit nasaan man si Laesybil Almonacid magsisimbolo ang kanyang kabutihan at gawa bilang modelo sa kapwa niya kabataang estudyante at mananatili ang kanyang ala ala sa puso ng bawat isa.kasunod nito ay ang pagsindi ng kandila at taimtim na dasal sa labas ng Arcilla Hall at simbolikong pagpapalipad ng mga balloons na kulay violet na nagsisimbolo ng kanyang pagiging babae at kulay puti simbolo ng mapayapang paglalakbay at hustisya.

Ang maikli ngunit makabuluhang programa na alay kay Laesybil ay pagpapakita ng buong pusong suporta at pagdadalamhati ng Bicol University sa pamilyang Almonacid upang maibsan ang pighati na kanilang dinaranas sa kasalukuyan. Ito'y umpisa pa lamang ng laban ng kapwa kabataang estudyante ng Bicol University para sa maigting na paghahanap ng hustisya para kay Laesibil Almonacid.

Huwebes, Nobyembre 3, 2011

Autopsy report sa bangkay ni Laesybil, ipinalabas na.


Ni: Willy V. Salazar

Legazpi City- Lumabas batay sa resulta ng autopsy report ng SOCO na positibong ginahasa bago pinatay si Laesybil LIM Almonacid 19 anyos estudyante ng Bicol University sa kursong accountncy at kasalukuyang naninirahan sa barangay Bascaran sa Bayan ng Daraga, Albay.

Batay sa resulta ng naturang autopsiya na pinalabas ni Dr.James Bilhira, hepe ng Crime Laboratory sa Camp heneral Semeon Ola, kinumperma nito na positibong ginahasa ang biktima dahilan sa mga nakitang laceration sa hymen ng biktimang si Laesybil.

Lumabas din sa pagsisiyasat na nanlaban ang biktima dahil sa mga nakitang laman o mga particles sa mga kuko ng biktima na siyang palatandaan na nanlaban ito sa kung sino man ang gumawa nito sa kanya.

Sinabi pa ni Dr.Bilhira na ang matinding pananakal sa biktima ang siyang pangunahing sanhi ng kaniyang pagkamatay, maliban pa sa tama ng isang matigas na bagay na ipinalo sa kaniyan ulo, at ang tama nito sa kaniyang bibig, tanda na dumanas ng matinding sakit ang biktima bago ito nalagutan ng hininga.

Samantala, labis naman ang kalungkutan ng pamilya at mga kaibigan ng biktima dahilan sa karumal dumal na sinapit ni Laesybil sa kamay ng walang awang kriminal. Samantala, patuloy naman ang ginagawang pag iingay ng mga kabataang estudyante ng Bicol University at maging ng pamuan nito para paghingi ng mas mabilis na Hustisya para sa kanilang kapwa mag aaral.

Si Lola Angelina Almonacid ang lola ng biktima at siyang nagpalaki dito ay dumaranas ng labis na hinagpis dahil sa sinapit ng kaniyang mahal na mahal na apo na si Laesybil. anya' bukod sa pagiging matalino at dean's lister si Laesybil ay mayroong pangarap sa buhay na balang araw ay maiahon sila sa kahirapan, subalit ang pangarap na ito ay kasamang maibabaon sa kawalan, at mananatiling pangarap na lamang para sa kaniyang mga naiwang nagmamahal na pamilya

Dahilan nito, si Lola Angelina ay muling nananawagan sa mga awtoridad na sana ay agad na mapanagot ang kriminal na siyang may kagagawan nito sa kaniyang mahal na si Laesybil. hiling din nito na parusang kamatayan din ang igawad sa suspek kung sakaling ito ay mahuli at mapatunayan na siya nga ang responsable sa panggagahasa at pagpatay kay Laesybil.....

Miyerkules, Nobyembre 2, 2011

Governor Joey Salceda, muling nanawagan ng suporta para sa pambato ng bansa sa Miss International


Ni: Willy V. Salazar

Legazpi City-Bagama't may pagdududa na posibleng namamanepola ng China ang nagaganap na online voting para sa 51st Miss International, ipinakita pa rin ng mga Albayano ang suporta sa pambato ng Pilipinas na si Bb.Pilipinas International Miss Diane Elaine Samar Necio. Ito ay kaugnay ng mabilis na pag angat ng China na kung saan nalampasan na nito ang Vietnam, at kagabi ay lumamang na rin ito sa Pilipinas.

Ganun pa man, hindi pinanghihinaan ng loob ang mga Albayano at tuloy tuloy ang ginagawang pagboto bilang pagpapakita ng suporta sa pambato ng bansa sa naturang patimpalak. Sa kasalukuyan ay muli na namang nakabawi ang Pilipinas at ito ay nangungunang muli sa nasabing online voting.

Kaugnay nito, muling nanawagan si Gobernador Joey Sarte Salceda sa mga Albayano at sa mga Pilipino saan mang panig ng mundo na suportahan si Diane at maglaan ng oras ang bawat isa para sa naturang online voting. kaakibat ng panawagang ito, bagama't naniniwala si Gobernador Salceda na hindi dapat masyadong umasa ang ating mga kababayan na maipanalo ito sa pamamagitan ng online voting dahil sa posibilidad na namamanepola ng China ang nagaganap na botohan sa internet, hindi naman dapat na magpabaya ang ating mamamayan partikular ang mga Albayano sa suporta para sa ating kandidata na si Miss Diane Elaine Samar Necio na nagmula pa sa bayan ng Polangui, Albay.

Samantala, maging ang ilang lokal na munisipyo sa Albay ay nagsasagawa na rin ng kani-kaniyang paraan upang maipakita ang suporta sa pambato ng Pilipinas para sa Miss International, maging ang mga himpilan ng radyo, at iba pang individual ay patuloy din sa pangangalap ng suporta para sa laban ni Diane, anya' ang pagkapanalo ni Diane kung sakali man ay hindi lamang karangalan ng kaniyang pamilya o karangalan ng mga Albayano, kundi ito ay karangalan din ng buong bansa.

HUSTISYA ANG SIGAW NG KABATAANG ESTUDYANTE NG BICOL UNIVERSITY SA KARUMAL- DUMAL NA PAGPASLANG KAY LAESYBIL

Ni: Rhonna C. Ricafort

Daraga Albay-Sumisigaw ng katarungan ang Pamilya Almunacid at ang mga kabataang estudyante sa Bicol University sa walang awa at karumal dumal na pagpaslang kay Laesybil Almunacid na hinihinalang hinalay muna bago ito pinatay.


Si Laesybil Almunacid 19 anyos ay isang mag-aaral ng Bicol University at nasa ikatlong taon ng pagkuha ng kursong BS Accountancy sa College of Business, Economics and Management (CBEM). natagpuan ang kaniyang bangkay na walang saplot sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan na dahilan upang maghinala ang mga imbestigador na posibleng ito ay ginahasa muna bago pinaslang.


Ang bangkay ng Biktima ay natagpuan sa barangay San, roque, Bascaran Daraga, Albay, hindi kalayuan sa kanilang bahay, at higit na mas malapit sa detachment ng militar na nakabase sa lugar. Ang pagkamatay ng biktima ay pumukaw sa kapwa niya mag-aaral at sa mga kabataang estudyante sa Albay na makiisa para sa paghahanap ng hustisya.


Ang buong kabataang estudyante ng Bicol University ay nakiramay sa pagluluksa ng pamilya ng biktima, at nakikiisa sa pagkundena sa walang awang pagpaslang sa kanilang kapwa kabataang estudyante, bumuo na rin ng text brigade ang mga ito at maging ang Social Networking sa Facebook ay ginamit na ng mga kabataang estudyante para sa paghahanap ng katarungan para sa kanilang kapwa mag aaral.


Samantala, kaugnay nito, nagpalabas na rin ng opisyal na pahayag kanina petsa 2, ng kasalukayang buwan ang mismong presidente ng Bicol University na si Dr.Fay Lea Patria M. Lauraya bilang pakikiramay sa pamilya ng biktima, at ganun din ang pagkundena sa karumal dumal na krimen, nanawagan din ang presidente ng BU sa mga awtoridad na paigtingin ang pag iimbestiga para sa mas mabilis na pagkamit ng Hustisya para sa biktima.

///

Dalaga, Natagpuang patay malapit sa detachment ng militar!

Legazpi City- Tila malaking insulto sa hanay ng militar ang pagkakadiskubre sa isang bangkay malapit sa detachment nito sa Barangay Bascaran sa bayan ng Daraga,Albay na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay.

Ang biktima ay kinilala na si Laizebel Almunacid, 19 anyos at estudyante ng Bicol University at residente ng naturang baranggay. sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad at SOCO, malaki ang posibilidad na ito ay ginahasa muna bago pinatay dahilan sa wala na itong saplot sa katawan ng matagpuan ng kaniyang step father kaninang umaga lamang.

Ayon sa mga saksi, si Laizebel ay huling namataan dakong alas 6:00 kagabi matapos na ito ay bumisita sa kaniyang mga kaanak sa hindi lamang kalayuan mula sa kinatagpuan ng kaniyang bangkay, nagtataka naman ang mga awtoridad partikular ang Daraga PNP kung bakit wala man lang nakapansin sa nangyari sa biktima gayung napakalapit lamang nito sa detatchment ng mga militar na nakabase sa lugar.

Dahilan nito, agad nag utos si PNP Provincial Director William Macaventa na mas pang palalimin ng mga awtoridad ang imbestigasyon para matukoy kung sino nga ba ang posibleng may kagagawan sa naturang krimen.

Lunes, Oktubre 31, 2011

Gobernador Joey Salceda, dismayado sa Online Voting ng 51st Miss International

By: Willy V. Salazar

Legazpi City-Nadismaya si Gobernador Joey Sarte Salceda sa nagaganap na online voting para sa 51st Miss International Beauty Pageant na ginaganap sa bansa ng China.

Ayon Kay Gobernador Joey Salceda, ayaw niya lamang na masyadong umasa ang mga Albayano na maipanalo ang laban ng pambato ng Pilipinas na si Bb.Pilipinas International, Miss Diane Elaine Samar Necio dahil sa posibilidad na namamanepola ng China ang nasabing online voting.

Magugunita na si gobernador Salceda ay nanawagan din ng suporta sa mga mamamayang Albayano at sa mamamayang Pilipino na suportahan ang pambato ng bansa sa naturang patimpalak, subalit nitong mga nakaraang araw ay tela kapansin pansin ang mabilis na pag arangkada ng boto para sa kandidata ng China na siyang pinagdududahan na posibleng mayroong nagaganap na manepolasyon sa naturang online voting.

Bagama't sa kasalukuyan, ay lamang na lamang pa rin ang pambato ng Pilipinas sa naturang paligsahan, sinabi ni Salceda na huwag masyadong umasa ang mamamayang Albayano na nagmamahal kay Diane Necio, bagkos nanawagan siya na mas pang palakasin ang pagdarasal.

Ayon pa kay Salceda, hindi matatawaran ang kaniyang hangarin na maipanalo ang laban ng ating kababayan na si Diane Elaine Samar Necio na nagmula pa sa Polangui Albay, subalit bilang Gobernador, obligasyon nito na maprotektahan ang kaniyang mga kababayan na patuloy na masaktan at umasa, dahil marami sa kanyang mamayan and hindi kaagad nahalata ang tela panglalamang ng China sa botohan sa loob lamang ng dalawang araw, samantalang halos walang tulogan na botohan ang ginawa ng kanyang mga kababayan.

Ayon pa kay Salceda, ang tanging basehan ng pagkakaisa ay ang katotohanan at istratehiya, at hindi ang wala sa lugar na pagpapakabayani.

Dahil dito, muling nanawagan si Salceda sa mga Albayano na sundin ang kaniyang kautusan na mas lalo nating palakasin ang pagdarasal para sa ganap na tagumpay ng ating kababayan sa naturang paligsahan.

Sabado, Oktubre 29, 2011

Mindoro radio station burned


Alert
October 18, 2011


Mindoro radio station burned



Unidentified men set fire to the facilities and equipment of a radio station in San Jose town, Occidental Mindoro province early Wednesday morning, causing up to P10 million in damage.

Daisy Leano, program manager of dzVT 1395, said the blaze was started around 1:00 a.m. at the station compound in Bgy (village) Labangan.

Burned were the station's 5-kilowatt AM transmitter, an FM transmitter, sound and engineering equipment, 10 desktop computers and two laptops.

Leano said there was an earlier attempt to torch the station on October 20.

"Nakita lang po ng technician on duty. Naapula po ang apoy pero yung generator set ay nasunog (The technician on duty was able to see the fire. It was put off but the generator set was burned)," she said. "Pero nakapag-broadcast pa kami kasi may power supply pa (We were still able to go on air because we still have power supply)."

"But in a matter of five days, tinuluyan na. (the station was finally burned),"she added.


Nobody was able to witness the incident, said Leano."Ni hindi tumahol ang mga aso (Even the dogs did not bark)."

In a phone interview, the Philippine National Police in San Jose town said they have yet to identify the perpetrators. However, PNP Regional Director Chief Supt. Artemio Hicban implicated the New Peoples' Army (NPA) in the incident.

But Leano told Radyo Veritas and the National Union of Journalists of the Philippines: "Wala po kaming official statement na ang apoy ay galing sa NPA (We do not have any official statement that NPA was behind the burning)."

She did say the incident could be politically-motivated because their station airs commentary programs.

"Hindi maiiwasan na may masasagasaan. Pero isa lang ang tinuturo ng mga tao dito. Meron po silang tinuturong politiko. (We cannot avoid hitting certain personalities. But residents here are pointing to only one politician as being behind this)," she said.

The Diocese of Occidental Mindoro will meet with dzVT officials this afternoon. Leano said with the extent of damages, they could not go on air.


Reference:
Rowena Paraan
Secretary General