Legazpi City-Maigting ginagawang paghahanda ng pamahalaang lokal ng lalawigan ng Albay kaugnay sa nalalapit na pagbisita ng Reyna ng Espanya na si Queen Sofia sa darating Julyo 4 ng taong kasalukuyan.
Ang paghahanda ay mismong pinangunahan ni Gobernador Joey Sarte Salceda at ilan pang opisyal ng lalawigan. Kahapon ay isinagawa ang Dry Run sa naturang napakalaking aktibidad sa lalawigan para sa seremonial na pagsalubong sa napakahalagang bisita ng mga Albayano, mismong si Gobernador Salceda ang nanguna sa nasabing Dry Run, na kung saan katuwang nito ang Armed forces of the Philippines-AFP, at ang Philippine National Police-PNP at iba pang ahensiya para siguruhin ang kaligatasan ng Reyna ng Spanya.
Ayon kay Gobernador Salceda, ang pagbisita ng Reyna ng Spanya (Queen Sofia) ay tunay na maipagmamalaki ng Albayano dahil iilan lamang sa maraming lalawigan sa bansa ang bibisitahin nito. at mapalad ang Albay na sa kauna-kaunahang pagkakataon ay bibisita sa lalawigan ang naturang Reyna.
Magugunita na ang bansang Espanya ang isa sa mga bansang masugid at walang sawang nagbibigay tulong sa lalawigan ng Albay sa pamamagitan ng Ahencia Espanola de Cooperacion Internacional para el Desarrollo-AECID na kung saan napakarami ng prohekto ang naibigay sa Albay kagaya ng mga silid aralan, mga kalsada, at iba pang mga prohektong higit na kailangan ng bawat mamamayan.
Isa sa mga nais gawin ng Reyna sa kaniyang pagbisita ay ang makapagpakuha ng larawan na kasama ang ipinagmamalaki ng Albayano ay ang Bulkan Mayon. at ilang pang lugar pang turismo sa Albay.
Miyerkules, Hunyo 20, 2012
Lunes, Hunyo 18, 2012
Kris Aquino, Bumisita sa Albay
Ni: Lorilie Rafael:
Legazpi City- Espesyal ang naging pagbisita ng tinaguriang presidential sister na si Ms. Kris Aquino sa lalawigan ng Albay nitong nakaraang araw, na kung saan mismong si Gobernador Joey Salceda ang sumalubong sa kaniya.
Kasama sa mga lugar na pinuntahan ni Kris ay ang Mayon Area na kung saan doon niya ginawa ang taping ng ilang segments ng kaniyang programa sa Kris TV sa ABS-CBN, at ang ipinagmamalaking Misibis Bay na kung saan doon siya pansamantalang nanuluyan bago ito nag ikot sa iba pang lugar sa Albay.
Ang Sili Ice Cream, isa sa ipinagmamalaking produkto ng Albay ang siyang pangunahing sadya ng TV Host/Actress Kris Aquino na siyang nakatakdang ipalabas sa kaniyang programa sa telebisyon.
Ayon kay Gobernador Salceda, napakalaking tulong ang pagbisitang ito ni Kris para maipakilala hindi lamang sa buong bansa kundi sa buong mundo ang ipinagmamalaking produkto ng mga Albayano, at ito ay bahagi na rin ng pagpapalakas ng turismo sa ilalim ng kaniyang pamamahala. Naniniwala ang Gobernador na sa pamamagitan nito ay mas lalo pang makakapanghikayat ng mga turista kung mas makikilala ang mga produktong tunay na tatak ng bikol.
Samantala, aminado naman si Miss Rowena Aspe, Owner/ Manager ng 1st Colonial Grill na mahirap makipagkumpetensiya sa buong Pilipinas kung ang pag uusapan ay ang mga naiibang klase ng pagkain, ganun pa man, pursigido silang mas pang maipakilala sa bansa at maging sa buong mundo ang mga naiiba nilang produkto na tunay na maipagmamalaki na tatak ng bikol.
Maliban sa Sili Ice Cream,marami pang produkto ang maipagmamalaki ng Albayano, kagaya ng Ice Cream na mayroong sangkap ng gulay na malungay, Lemon Ice Cream,at ang kakaibang Ice Cream na mayroong sangkap ng tinutong na bigas na ayon kay Miss Aspe ito ay pinaniniwalaang mabisang pang alis ng Pasma, at higit sa lahat ang tunay na tatak ng bikol, ito ay ang Pilinut Ice Cream na kung saan lahat ng ito ay matatagpuan lamang sa isang sikat na restaurant sa Albay, ang "1st Colonial Grill"
Samantala, ang ginawang pagbisita ng TVHost/Actress ay nagbigay naman ng kakaibang kasayahan sa maraming Albayano lalo pa sa mga tagahanga ng Actress.....
Linggo, Hunyo 3, 2012
COMPUTERIZATION PROGRAM NG GSIS MALAPIT NG MAKOMPLETO
Ni: Nancy Mediavillo
80% sa kabuuang computerization program ng Government service insurance system o GSIS sa buong bansa ay nakamit na. Ayon kay Board of Trustee Karina Constantino David sa kanyang pagdalo sa Regional Consultative Dialogue with Public Sector Unions sa buong Bicol. Ito ay isinagawa sa Hotel Venezia function hall dito sa Lungsod ng Legazpi kahapon. Aniya ang natitirang 20% ay maisasakatuparan hanggang sa katapusan ng taon. Kanyang binanggit makalipas ang anim na buwan, sa oras na makompleto ang computerization program, ang record ng bawat isang miembro ay tugma sa record ng kanilang tanggapan kumpara sa on line records.
Samantalang ukol sa pagproseso ng mga loan applications mula sa dating 3ng araw, kapagka makompleto ang lahat na reforms, aabot ito sa 12ng oras hanggang walong oras. Binanggit din nito, ang ilang espisipikong reforms, kagaya nang, ang isang pensioner ay hindi kailangang magreport sa GSIS tuwing kaarawan nito para makumpirma na ito ay buhay pa. Ukol naman sa survivorship claims, lahat ng tinanggalan nito noong taong 2009 ito ay ibinalik ng kanilang tanggapan. Samantalang noong nakalipas na mga panahon, ang isang kawani ng pamahalaan na magreretiro ay walang benepisyong natatanggap dahil sa dami ng kanyang utang. Aniya na bigyan na rin ito ng solusyon.
Ayon kay David sa kabuuang reforms ng GSIS, target nitong makompleto sa loob ng anim na taon. Aniya sa kanilang pag upo sa loob ng isa at kalahating taon. Kanilang naisakatuparan ang one third sa kabuuang tinatayang mga reforms.
Sinabi rin ni David, ang kasalukuyang operational expenses ay naibaba sa 4.8%, mula sa mahigit 6% noong nakalipas na administrasyon mula sa ceiling na 12%. Dagdag pa ng opisyal, sa buwan ng Hunyo ngayong taon, target na maging operational ang GSIS Call Centers.. Ang operasyon nito ay 24/7 at 50ng katao ang itatalaga dito. Ang queries sa call centers ay lahat local calls.
Samantalang ang kabuuang assests ng GSIS ay 650ng bilyong piso. Ang actuarian life nito ay sa loob ng 45ng taon simula ngayon. Sinabi rin ni David, maayos ang mga investments at properties na binibili ng GSIS, habang well represented mula sa ibat ibang sector ang board of trustees nito.
“Motorcycle Act of 2009 o HELMET LAW Priority Ngayon:
Ni: Dante Dayandante
“Motorcycle Act of 2009 o HELMET LAW Priority Ngayon: LTOPriority ngayon ng LTO (Land Transportation Office) ang Information dissemination tungkol sa “HELMET LAW” at sa susunod na Buwan isasabay na ang Enforcement na kung saan may mga mabibigat na penalty ang ipapataw ng LTO sa mga Violators alinsunod sa R.A. 10054, Ito ang sinabi ni Mar Magistrado ang Task Force chief ng LTO sa syudad ng Legaspi. Aniya, Bawal na ang mga Helmet na sinusuot ng mga minero, Construction worker at maging ang Helmet na sinuot ng mga Cyclists bilang proteksiyon ng mga motorista.
Itoy alinsunod sa batas at dapat dumaan sa quality standard ng DTI( Department of Trade and Industry) at BPS (Bureau of Product Standard) na kung saan pag nakapasa dito lalagyan ng IIC-DOT sticker, wala namang sinabi kung full face o half face ang klase ng helmet basta meron nakadikit na sticker.Ani ni Magistrado,” pag nakapag comply, ang DTI naman ang bahala sa mga nagtitinda, At sila naman (LTO) ang bahala sa pag apprehend, ng mga tumatakbo sa Kalsada.” Ang nasabing klase ng helmet ipinaalam na ng DTI nuong nakalipas na Buwan ng Abril sa isang pagtitipon kasama ang mga dealer ng motorsiklo sa syudad ng Legaspi.
Dinagdag pa ni Magistrado, base sa Memo circular na ipinalabas ng LTO malinaw na ipinagbabawal ang pag modify ng motorsiklo , ibig sabihin kung anu ang product ng manufacturer na inilagay sa motorsiklo nasa safety na lahat dahil dumaan sa mga tests ito bago inilabas, Inihalintulad niya ang pag palit ng shock absorber sa lowered type na motorsiklo at kanyang sinabi na may risk na ito o may safety problem na.
Nagkaroon lang ng Moratotorium sa implementation nito kung kaya sa 2013 na ito malamang maimplement. Kung kaya ang mga pinag modify na Motorsiklo bawal na at huhulihin at I impound na mayroong penalty na (5,000.00 Php) pesos.kasama na rin ang defective muffler, at mga binagong busina. Ipinagmalaki rin ni Mar Magistrado ang pagkakalansag ng mga motorsiklo na maiingay sa syudad ng Ligao lalo pagsapit ng Dis Oras ng Gabi na kung saan kanilang bingyan aksiyon,
Dagdag pa niya na kung may reklamo pa sa ibang lugar tumawag lang sa oficina at bibigyan agad ng aksiyon..Ang Campaign of Enforcement ay gagawin na sa susunod na Buwan at para sa kaalaman ng mga Violators: 1st offense 1,500.00, 2nd offense 3,000.00, 3rd offense 5,000.00, at 4th offense 10.000.00, aniya lahat ng violation na titrace dahilan sa computerized na ang nasambit na tanggapan., Halimbawa, nahuli ka, tapos tutubusin mu na ang violations mu, kapag nakita sa computer na may first offense automatically nasa 2nd offense ka na, ani ng LTO Task Force Chief Magistrado.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)