Legazpi City-Nadismaya si Gobernador Joey Sarte Salceda sa nagaganap na online voting para sa 51st Miss International Beauty Pageant na ginaganap sa bansa ng
Ayon Kay Gobernador Joey Salceda, ayaw niya lamang na masyadong umasa ang mga Albayano na maipanalo ang laban ng pambato ng Pilipinas na si Bb.Pilipinas International, Miss Diane Elaine Samar Necio dahil sa posibilidad na namamanepola ng
Magugunita na si gobernador Salceda ay nanawagan din ng suporta sa mga mamamayang Albayano at sa mamamayang Pilipino na suportahan ang pambato ng bansa sa naturang patimpalak, subalit nitong mga nakaraang araw ay tela kapansin pansin ang mabilis na pag arangkada ng boto para sa kandidata ng China na siyang pinagdududahan na posibleng mayroong nagaganap na manepolasyon sa naturang online voting.
Bagama't sa kasalukuyan, ay lamang na lamang pa rin ang pambato ng Pilipinas sa naturang paligsahan, sinabi ni Salceda na huwag masyadong umasa ang mamamayang Albayano na nagmamahal kay Diane Necio, bagkos nanawagan siya na mas pang palakasin ang pagdarasal.
Ayon pa kay Salceda, hindi matatawaran ang kaniyang hangarin na maipanalo ang laban ng ating kababayan na si Diane Elaine Samar Necio na nagmula pa sa Polangui Albay, subalit bilang Gobernador, obligasyon nito na maprotektahan ang kaniyang mga kababayan na patuloy na masaktan at umasa, dahil marami sa kanyang mamayan and hindi kaagad nahalata ang tela panglalamang ng China sa botohan sa loob lamang ng dalawang araw, samantalang halos walang tulogan na botohan ang ginawa ng kanyang mga kababayan.
Ayon pa kay Salceda, ang tanging basehan ng pagkakaisa ay ang katotohanan at istratehiya, at hindi ang wala sa lugar na pagpapakabayani.